Wednesday, February 16, 2011

Mga Halimbawa ng Tayutay

Simil
1.  Si Leanne ay parang pagong kung kumilos.
2.  Kasing kinis ng porselana ang kutis niya.
3.  Tila yelong natutunaw si Bea nang tinitigan siya ni Mario.
4.  Kasing puti ng kalapati ang buhok ng lola ni Kaye.
5.  Parang maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.

Metapora
1.  Si Paolo ay isang anghel.
2.  Ang ngipin niya ay perlas.
3.  Ang kotse niya ay kabayong sasakyan.
4.  Siya ay isang bituin sa langit.
5.  Isa siyang bulaklak sa hardin.

Personipikasyon
1.  Hinabol ako ng mga alon sa dagat.
2.  Yumuko ang mga kawayan sa pagihip ng hangin.
3.  Bumulong sa akin ang hangin.
4.  Umaawit ang mga ibon sa punong kahoy.
5.  Kumindat ang mga bituin sa akin.

Hiperbole
1.  Naligo si Kmart sa laway ni Kenth.
2.  Kumain ng kabayo si Blanche dahil sa gutom.
3.  Naghintay ng isang taon si Yeti bago nakakain.
4.  Nilabhan niya ang isang bundok na labada.
5.  Sumabog ang dibdib niya sa galit.

Oksimoron
1.  Natuwa si Chantal  nang inatake si Alvin sa puso.
2.  Nagalit si Alyssa nang manalo sa paligsahan.
3.  Lumindol kaya siya nagdidiwang.
4.  Nagluluksa si Reid nang nanganak si Tamara.
5.  Nagsasaya sila dahil nasunog ang bahay nila.

Metonimiya
1.  Siya ang ilaw sa aking buhay.
2.  Ang lahat ng ito ay bigay ng nasa itaas.
3.  Siya ang haligi ang aming pamilya.
4.  Sinagot ng Ama ang aking dasal.
5.  Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. 

Eksklamasyon
1.  Naku po! Nawala ang pitaka ko.
2.  Sunog! Sunog!
3.  Wow! Ang ganda dito
4.  Yehey! Pupunta kami ng Baguio.
5.  Mabuhay ang bagong kasal!


Aliterasyon
1.  Mabait at matulungin si Maya.
2.  Dala-dala ni Dana ang dakot ng basura.
3.  Napalo ni Nana kaya nanakit ang tuhod niya.
4.  Pagod si Paolo dahil sa paglalakad mula sa paaralan.
5.  Binili ni Bianca ang tindang bibingka ni Ben.

Asonansiya
1.  Bumili si Beboy ng tikoy sa tindahan ni Popoy.
2.  Mahalaga sa kanya ang pamilya niya.
3.  Umaasa ang masa sa hustisya.
4.  Sumama ang ama ni Mama sa amin.
5.  Ako ay sasali sa paligsahan sa pagandahan at kantahan.

Pangitain
1.  Bukas, magaganap ang pinakahihintay ng lahat.
2.  Sa susunod, ako naman ang sasambahin.
3.  Pupuntahan ko ang bawat sulok ng mundo.
4.  Matutupad ang lahat ng mimithi mo.
5.  Sa susunod na taon, ako’y yayamin at titingalain.


No comments:

Post a Comment