
Si Rissa, ang kanyang palayaw, ay unang nag-aral sa Miraculous Medal Learning Center sa Lungsod ng Talisay, Cebu. Para sa elementarya, pumasok siya sa Kolehiyo ng Imaculada Concepcion, Cebu at Mababang Paaralan ng Aras-asan, Cagwait, Surigao del Sur.
Isang matulungin na bata si Rissa. Bukod pa rito, masipag din siyang mag – aral. Sa katunayan, napapabilang siya lagi sa listahan ng mga magagaling sa kanilang klase.
Sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Jacinto P. Elpa si Rissa nagtapos ng sekondarya. Akala ng lahat ay susundan niya ang apak ng kanyang ina nang kumuha siya ng kursong Pre-Medicine. Ngunit pinalitan niya ito ng kursong Mass Communications. Matagumpay niyang natapos ito sa Unibersidad ng Kanlurang Bisayas sa Lungsod ng Iloilo. Nagkamit din siya ng diploma sa B.S. Biological Sciences sa parehong unibersidad.
Dahil sa kagalingan sa trabaho, nagawaran si Rissa ng iba’t ibang gantimpala. Naging bahagi rin siya ng Provincial Information Agency at pangulo ng Provincial Tourism Press Council. Nakapunta na rin siya sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa trabaho. Ilan na dito ay ang Samal, Davao, Lungsod ng Butuan at Cebu. Naiimbitahan din siyang maging hurado sa ilang patimpalak tulad ng Gakit Festival sa Bayabas, Perlas ng Kaliguan sa Cagwait, Surigao del Sur at Regional School Press Conference sa Tandag.
Noong ika – 16 ng Hunyo, 1998, ikinasal si Rissa kay Joven Espinosa, isang Overseas Filipino Worker (OFW). Nagkaroon sila ng apat na butihing anak. Ito ay sina Johnica Chantal, 14, Janna Marie, 10, Juan Carlos, 9, at Janna Sophia, 8.
Minsan na rin nanganib ang kanyang buhay noong nag – aaral pa sa kolehiyo. Nalunod ang sinasakayan niyang barko habang papuntang Iloilo mula sa Surigao. Isa lang siya iilang nakaligtas sa nasabing trahedya.
Dumaan man sa iba’t ibang pagsubok si Rissa, matagumpay niyang nalagpasan ang mga ito. Isa siyang magandang halimbawa sa bawat kabataan. Sa kabila ng karangayaan sa buhay, hindi siya nagpadala sa mga luho ng buhay. Bagkus, natuto siyang tumayo sa sariling paa at harapin ang mga hamon sa buhay.
No comments:
Post a Comment